May isang bagay sa buhay na hindi ko maintindihan. Minsan,kailangan nating punan ang ekspektasyon ng mga tao o ng institusyon kung saan ka nabibilang.Ang mahirap pa nito,sobrang taas ng ekspektasyon at hindi ito angkop sa iyong kakayahan. Maaari namang hindi panailalabas ang iyong natatagong potensyal ngunit kaliwa’t kanan ang pressure.Hindi ka minlamang mabigyan ng sapat na oras.Sapat na oras upang maghanda…sapat na oras upang matapos ang problema, sapat na oras upang kilalanin ang iyong sarili. At ang pinakamahirap sa lahat…hindi mo napupunan ang ekspetasyon mo sa iyong sarili. Minsan magugulat ka na lang na nagawa mo ang isang bagay na hindi mo naisip na iyong magagawa.Hindi mo na maintindihan ang iyong sarili sa paggawa ng mga desisyon na masasabing kahibangan. At ang tangi mong dahilan ay isang karuwagan na ating pinagbatayan ay ang iyong nararamdaman.
Minsan..pakiramdam ko…napaka unfair ng mundo. Bakit kailangan mong mapunta sa isang sitwasyon na mukhang wala kang kawala. Na ang tangi mong magagawa ay magtiis hanggang sa matapos na ang lahat.Bakit kailangan mong yakapin at ipasok sa iyong isip at kaluluwa lahat ng masasamang emosyon dahil sa ikaw ay binabayaran ng malaking halaga..o dahil ito ang iyong reponsibilidad na tinanggap ng walang kamalaymalay.
Bakit napakasama ng mundo samga taong nais lang maiba..o sa mga tao na may lakas ng loob na ipakita kung sino sila? Bakit kailangan mong mabuhay kasama ang mga tao na sa tingin nila ay sila ang laging tama. Mga tao na gustong baguhin ang iba..gustong alamin at pakialaman kung ano mang aspeto meron sa iyong buhay.
Kaya ngayon,wala akong nararamdamang ano mang emosyon. Wala na ang inis, galit,kaba… ngunit lubos na nalalaman ng aking isipan na may mali at hindi dapat ito ang aking maramdaman.Marahil ito ang mekanismo ng aking damdamin.