Ako ba’y ano?

Ako ba’y isang guro?
Bakit di makapgturo, puso kong tuliro
Salat sa kasanayan,lagi ay bigo
Di maakit,estudyanteng maluluho

Ako ba’y isang makata?
Bakit tulala,tugma’y bibihira?
Di mawari, nararapat na salita
Aakma sa damdamin,nitongaking tula

Ako ba’y isang artista?
Bakit di makaguhit,di makapinta?
di mailapat, kulay asul at lila
Aking kamay,sa lapis nangungulila

Published in: on November 30, 2009 at 9:15 am  Leave a Comment  

Guro

Noon pa man, akin nang pangarap
Humubog ng kaisipan ng mga musmos na liyag
Sa kanila isasalin, dunog at tatag
Mula sa tulad kong lumaki sa hirap
Ngunit kung paano kung puso nila’y sarado
Kanilang iniisap, makasarili, makamundo
Paano itutuwid landas ng mga Anghel
Kung kanilang guro, kasing rupok ng papel

Published in: on November 7, 2009 at 7:06 am  Leave a Comment  

Paboritong tula

Nag-aagaw buhay, ulirat kong basag
Di makaintindi, di makapalag
Muli sa mundo, ako’y nabihag
Buhay ko ngayon, matamis, masaklap

Published in: on November 7, 2009 at 7:03 am  Leave a Comment  

Bulutong

Huwag na sana kong gisingin

Sa panandaliang pagkakahimbing

Habang puso’y nagpapahinga

Sa mundong di naglalambing

Published in: on November 7, 2009 at 7:00 am  Leave a Comment  

Hinihintay na diwata

Iibig na muli sa isang diwata
Mukha man niya’y di pa nakikita
Pagdating nya man, noon pa itinakda
Sabik na naghihintay, sa tuwi-tuwina
Lungkot ko’y napawi, di na mag-iisa
Sa mundong bigo, sa aruga’t kalinga

Published in: on November 7, 2009 at 6:57 am  Leave a Comment  
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.