Pagbabalik

Salamat at aking napagtagumpayan

Diwang humaharap sa bingit ng kamatayan

Isip na muntik nang kumawala sa katinuan

Pusong dinurog ng masasamang kalooban

Ako’y inyong tinapon na parang basahan

Puno ng sugat at saksak sa katawan

Sa dibdib nakatusok kalawanging punyal

Aking kamatayan inyong pinagdasal

Ngunit kay buti nang Diyos sa tulad kong aba

Na biktima ng krimen at kawalan ng hustisya

Ako’y pinulot, ginamot at binihisan

Binalik ang dignidad na kinuha ni kamatayan

Dalawang taong nagpagaling ng sugat

Natitira na lang ngayon ay ilang pirasong pilat

Sa aking pagbabalik ako’y tiyak na mas malakas

Pagkat di malilimutan sakit na inyong pinadanas

Bubuuin muli mga pangarap kong winasak

Muling magsisikap at aahon sa lusak

Advertisements

One thought on “Pagbabalik

  1. Fan ako ng tula. Gusto ko yung paraan mo ng pag gamit ng salita at paghahayag ng diwa at damdaming nais mong iparating. Malinaw mong naisasa-larawan yung gusto mong buuing imahe. Binasa ko din yung ilang salin mong tula.

    ‘Nga pala. Hanga ako sa pag-asa at pagbangon na inihayag mo sa tulang ito. Sana, lahat ng madarapa, makakuha rin ng inspirasyon sa pagbangon mula sa tula at mga manunulang patuloy na nagsusulat ng makabuluhan. Natutuwa akong napadpad sa site mo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s