Tagalog ng 10,000 reasons

Ang araw ay sumikat
May bagong umagang ganap
Sabik na muling umawit
Pusong dumanas ng sakit
Ano mang pagsubok sa akin dumating
Patuloy na aawit sa iyong piling

Purihin and Panginoon
Ako’y nagpupuri sa kanya
Purihin ang banal Niyang ngalan
Umawit nang wagas
Buong puso at lakas
Ako’y magpupuri at sasamba

Ika’y puno ng pag-ibig
Kahit galit mo’y di madaig
Ngalan mo’y dakila
Puso’y mapang-unawa
Dahil sa iyong kabutihan
Patuloy kitang aawitan
Higit pa ang sampung libo
Sa dami ng aking dahilan

Purihin and Panginoon
Ako’y nagpupuri sa kanya
Purihin ang banal Niyang ngalan
Umawit nang wagas
Buong puso at lakas
Ako’y magpupuri at sasamba

At sa pagsapit ng aking katapusan
Katawan may ay manghina
Aking lakas patuloy na mawala
Patuloy na magpupuri na walang hanggan
Ilang libong taon.. magpakailan man..Image

Jacob ( A Tagalog Poem )

Minsan ako ay lumisan
Galit ng kapatid ay nais takasan
kahit nung ako ay nasa sinapupunan
tila ba kakambal ko na ang kasalanan

Sabi nila ako daw ay bihasa
Bunga ng panlilinlang ang aking tinatamasa
Karapatan ni Esau aking kinuha
Ngunit kapalit nito ay aking pagluha

Minsan sa isang dalaga ako ay umibig
Ngalan nya ay Rachel, puso ko’y pumintig
Siya’y pinangako sa puso kong nasasabik
Pitong taong naghintay na sya ay maibalik

Tila ba ang Diyos ay humusga
Ang dating manlilinlang, naloko ng iba
Ibang babae ang pinalit sa aking sinta
Sa akin ibinigay ang panganay na si Leah

Ngunit ay Diyos ay tila ba kay bait
Sa akin parin naibigay ang hinihintay na kapalit
Dagdag pang pitong taon ng lubos na pagsisilbi
Kapalit ni Rachel na hindi nagsisisi

Nagkaroon man ng sariling pamilya
Di parin nalilimutan sina ama’t ina
At ang kapatid na si Esau na lubos na nagdusa
Kailangan harapin ang galit at kanyang panghuhusga

Puso’y puno ng takot at pangamba
Sa kahihinatnan ng muling pagkikita
Kalingang salubungin dala ang buong pamilya
May kapatawaran pa kaya sa kapatid na sadlak sa dusta

Habang naghahanda sa kanyang pagdating
tila ba isang anghel ang biglang dumating
Sa kanya nakipagbuno parang mandirigmang magiting
Ngunit talunan sa kanyang anking lakas at galing

Kanyang binali bahagi ng aking binti
Di nakapalag sa lakas niyang kay tindi
Kaya ako’y iika-ikang umalis
May iba nang pangalan, pagkatao’y nalinis

At muling nakita pinakamamahal na kapatid
Ako’y kanyang niyakap, mga luha’u bumahid
Muling nabuo ang pamilya kong sabik
Sa pagmamahalan at aking pagbabalik

Tabing Dagat

Image

Sa tabi ng dagat ako ay naghihintay
Pilit pinapalipas, inip at pagkalumbay
Aking ninanamnam ihip ng hangin
Dumadampi sa pisngi at katawang patpatin

Bawat oras, bawat araw, bawat taon
Kada sandali, panahon ay hinahamon
Puso’y napapagal, diwa’y nasasabik
Sa iyong pagdating at muling pagbabalik

Sa pagsikat ng araw at pagsapit ng dapit-hapon
Pinagmamasdan ang dagat na patuloy sa pag-alon
Mga mata’y nakatitig sa dako paroon
Umiibig sayo, saan ka man naroroon

Paboritong tula ni Emily Dickinson

Bakit ako nagmamahal?

Sapagkat-

Hindi nangahas ang hangin

na magtanong sa halaman at sya ay sagutin

Sa tuwing ito’y sumasabay

sa dampi ng hangin na tila kumakaway

 

Sapagkat – 

Diyos lang ang nakakabatid

Mga pagkamangha sa isipan ay hatid

Mga bagay na di ko mawari

Kahit ang talino’y di pag-aari

 

Sapagkat-

Kahit kidlat ay hindi nagnais

Na alamin kung bakit mga mata’y tumatangis

Sa kanyang pagdaan

Kusang pumipikit tila ba nasasaktan

 

Ang tanging nagbigay ng kasagutan

Ang pagsikat ng araw doon sa silangan

Sapagkat ng araw sa kanya ay sumikat

Kaya ako nagmamahal sa kabila ng pilat Image

Paalam

Paalam na aking nakaraan

Ngayong araw, ika’y tuluyang bibitawan

Paalam na masamang panaginip

Pagkat tapos na ang mahabang pagkaidlip

Paalam na sa magagandang gunita

Na nagtatago sa mapait kong pagsinta

Aking haharapin ang isang bagong simula

Panibagong buhay malayo sa pagluluksa

Isang Sentimetrong Pilat

Minsan ako’y humarap sa salamin

Isang pilat ang tumambad sa paningin

Sa kanang dibdib aking napansin

Tila di maganda sa aking paningin

 

Aking inakala na ito ay mawawala

Kaya ang dalaga  nanatiling nakatulala

Kailangan ng gamot pampahid

Pantanggal sa kirot at luhang bumabahid

 

Ngunit kailangan tanggapin

Na ang pilat ay habangbuhay dalanin

Hanggang kamatayan ay aking dadalhin

Isang sentimetrong pilat na akin

Oras Na – Coritha

May bulong, dinggin mo
Ihip ng ating panahon
May sigaw, dinggin mo
At ubos na ang oras mo

Oras na, magpasiya
Kung saan ka pupunta
Oras na, oras na
Mag-iba ka ng landas

Chorus:
Tayo na sa liwanag
Ang takot ay nasa isip lamang
Tama na ang pag-aalinlangan
Ang takot ay nasa isip lamang

Kung daa’y di tiyak
Ang ulo’y laging ligaw
Damhin mo, damhin mo
Ang landas ng puso mo …

Chorus:
Tayo na sa liwanag
Ang takot ay nasa isip lamang
Tama na ang pag-aalinlangan
Ang takot ay nasa isip lamang

Dinggin mo, damhin mo
Ang landas ng puso mo
Oras na, oras na
Magbuo ka ng pasiya …

Chorus:
Tayo na sa liwanag
Ang takot ay nasa isip lamang
Tama na ang pag-aalinlangan
Ang takot ay nasa isip lamang

Takot ay nasa isip lamang …